Mainit-init pa!
Pasasalamat sa Panginoon sa ipinagkaloob na kakayahang magsulat!
Pasasalamat sa pamunuan ng KWF at sa mga hurado ng Gawad KWF sa Sanaysay 2021 para sa malaking karangalang ito.
Pagbati rin sa Mananaysay ng Taon 2021, ang aking kaibigang si Dr. Jonathan Vergara Geronimo, at sa nagkamit ng Ikatlong Gantimpala, isa sa mga pinakamasipag na mananaliksik sa UP System sa larangan ng Araling Pilipinas, si G. Axle Tugano.
Dahil sa dumaraming request na mabasa ang aking nagwaging sanaysay, narito na po (viewable muna dahil sa pagkakaalam ko ay opisyal na ilalathala rin po ito ng Komisyon sa Wikang Filipino/KWF bilang organisador ng patimpalak). Ang sanaysay na ito ay scholarly version ng isang kabanata ng “Ang Mabuting Balita Ayon Kay San Juan”/AMB na di ko pa rin matapus-tapos at pahaba nang pahaba (‘yung orihinal na AMB ay Filipino na ma-Ingles at mas tunog-Bob Ong; sinubukan kong gawing mas pormal at mas scholarly at ang sample chapter ay ito ngang nagwaging sanaysay; di pa ako makapagdesisyon kung ano ang lenggwaheng pangingibabawin sa pinal na AMB, ang lenggwaheng mala-Bob Ong o ang lenggwaheng mala-pormal na sanaysay; bahala na).
Narito na, in the meantime, ang aking sanaysay. A luta continua!
[Note: Ang nirebisa at mas mahabang bersyon ng sanaysay ay bahagi ng aklat na “Sosyalismo sa Kontekstong Pilipino” na inilathala ng Academia Filipina Press noong 2023. Narito ang link sa PRE-ORDER FORM ng nasabing aklat: bit.ly/sosyalismo ]
~~~
