salin sa Filipino ng tulang “Refugee” ni Abdullah Kasem Al Yatim
(isinalin ni David Michael San Juan)
Ako’y pinilit lumisan sa aking bansa; sabi nila, para raw sa aking kaligtasan. Mabilis akong pumulot ng bulaklak ng hasmin. Kumuha ng lupang sindami ng isang bote ng tubig, At nagtabi ng dahon ng oliba sa aking munting bulsa.
Lumabas ako sa matimyas kong tahanan at nakalimutang baunin Ang mga gunita at pag-asa, at sa halip Binaon ko ang awiting pinamagatang “Lahat ng bansang Arab ay tahanan ko.”
May kumpiyansa akong naglakad at umawit, “Lahat ng bansang Arab ay tahanan ko.” Nasorpresa ako sa aking bagong identidad. Tinawag nila akong kulangpalad na takas na Syrian.
Nilabag nila ang aking mga karapatan at ninakaw ang aking pagkabata Dagdag pa, inilagay ako sa isang maliit na kubol na malayo sa mga daigdig
Durog ang puso ko at naghihinagpis ang aking diwa Nilibre ko ang sarili ko sa bango ng hasmin
Kahapon, ako’y masayang batang ipinagmamalaki, “Lahat ng bansang Arab ay tahanan ko.” Gayunman, ngayon ako’y naging takas na pinalayas mula sa iba’t ibang lugar.
~~~
Ang orihinal ay mababasa sa: https://www.unhcr.org/my/news/stories/refugee-poem-abdullah-kasem-al-yatim-illustrated-sharon-chin